MAHAL, NAAALALA MO PA BA?

by: Aneth Madrid
(#MoveOnKaNaBes Poetry entry)

Mahal, Naaalala mo pa ba,
Nong tayo’y bago pa?
Di maipaliwanag na galak ating nadama,
Sa unang pagdampi ng ating mga labing
Ubod ng tamis sinta,
Sa mga yakap natin sa isa’t-isa
Na nag aapoy sa init sa’twing tayo’y magkasama,
At sa mga ngiting tila ba’y wala ng bukas pa.

Mahal, Naaalala mo pa ba,
Nong tayo’y ngdiwang ng unang anibersaryo natin sa eskwela?
Kasabay nito ang pagtugtog ng mga paborito nating musika,
At pagbigkas ng mga pangako natin sa isa’t-isa,
Doon nabuo ang mga pangarap nating dalawa,
Pangarap na tayo’y magsasama sa hirap at ginhawa,
Pangarap na sana’y tayo’y maging matatag pa,
At pangarap na tayo’y magtatagal pa.

At tayo’y nagtagal nga,
May mga panahong maligaya,
Ngunit may mga panahong ding tayo’y di magkaintindihan at nauuwi sa pagdrarama,
Ngunit Mahal, Naaalala mo pa ba na
Sa bawat away nati’y don naman tumitibay ang pagmamahal na ating nadarama? 
Tama ba?

Ngunit anong nangyari mahal?
Anong nangyari sa ating dalawa?
Nasaan na ang mga pangako natin sa isa’t isa na tayo’y magsasama hanggang sa ating pagtanda?
Mahal, Naaalala mo pa?
Ako pa ba’y iyong naaalala?
Kasi ako, OO.
Oo, naaalala pa kita,
Kasi nga Mahal pa kita kahit ang sakit sakit na.

Author: Aneth Madrid

To everyone going through any struggle or pain right now, keep your head up, and keep on smiling, you'll get through it.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s